2017
Ang Inyong Patotoo at ang Aklat ni Mormon
Setyembre 2017


Ang Inyong Patotoo at ang Aklat ni Mormon

Tatlong kuwento mula sa mga kabataan kung paano binago ng Aklat ni Mormon ang kanilang buhay.

Larawan
young man studying the scriptures

Sinabi ni Joseph Smith na ang Aklat ni Mormon “ang pinakatumpak sa anumang aklat sa mundo, at ang saligang bato ng ating relihiyon, at ang isang tao ay malalapit sa Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tuntunin nito, nang higit kaysa sa pamamagitan ng alin mang aklat” (pambungad sa Aklat ni Mormon). Ang Aklat ni Mormon ay isang makapangyarihang saksi ni Jesucristo at sa Kanyang ipinanumbalik na ebanghelyo. Ang malaman na ito’y totoo ay nagpapabago sa lahat ng bagay.

Ang mga taong sumulat sa mga sumusunod na patotoo ay nagbalik-loob kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo dahil sa kanilang mga naging karanasan sa pagbabasa at pagdarasal tungkol sa Aklat ni Mormon. Mababago rin ang inyong buhay ng taos-pusong pagbabasa at pagdarasal tungkol sa Aklat ni Mormon.