2017
Ang Ating Pahina
Setyembre 2017


Ang Ating Pahina

Larawan
our page
Larawan
temple drawing

Jaziel B., edad 10, Argentina

Larawan
girl in white dress

Mahal ko si Jesucristo at ang Ama sa Langit at ang Espiritu Santo. Alam ko na mabubuhay akong mag-uli. Nadarama ko ang siglang dulot ng Espiritu Santo. Isinugo ng Ama sa Langit si Jesucristo. Gusto ko Silang tularan.

Gabriela F., edad 8, Brazil

Larawan
boy holding Book of Mormon

Masaya ako sa araw na ito. Ako ang nasa larawang ito noong araw na matapos kong basahin ang Aklat ni Mormon. Marami akong natutuhan, gaya ng sinunod ni Nephi ang lahat ng iniutos sa kanya ng Diyos at nang usigin ni Nakababatang Alma ang Simbahan. Kalaunan ay nagsisi siya, salamat sa pagdalaw ng isang anghel at mga dalangin ng kanyang mga magulang, at ipinangaral niya ang ebanghelyo.

Nagpapasalamat ako sa aking mga magulang sa paghihikayat sa akin bawat araw na basahin ang Aklat ni Mormon at sa mga Primary leader ko sa pagtulong sa akin na maisakatuparan ang mithiing ito sa pamamagitan ng notebook na Pananampalataya sa Diyos.

Sebastian C., edad 10, Venezuela

Larawan
families can be together forever
Larawan
celestial glory

“Mag-anak ay Magsasamang Walang Hanggan,” ni Rubi, edad 8, “Kaluwalhatiang Selestiyal,” ni Rebeca, edad 8, El Salvador