2022
Hindi Ka Nag-iisa Kailanman
Hulyo 2022


“Hindi Ka Kailanman Nag-iisa,” Liahona, Hulyo 2022.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

2 Mga Hari 6

Hindi Ka Nag-iisa Kailanman

Nadama mo na ba na nag-iisa ka o natatakot sa darating na mga araw? Ganito rin ang nadama ng lingkod ni propetang Eliseo nang makita niya ang hukbo ng mga kabayo at karwahe ng Siria na nakapalibot sa Dotan, ang lunsod kung saan nakatira si Eliseo.

Larawan
mga kawal na nakatudla ang mga palaso sa pader

Mga paglalarawan ni Denis Freitas

Sa takot, sumigaw ang lingkod kay Eliseo, “Panginoon ko! Paano ang ating gagawin?” (2 Mga Hari 6:15)

Larawan
mga karwahe ng apoy

May pananampalatayang sumagot si Eliseo, “Huwag kang matakot: sapagkat ang mga kasama natin ay higit kaysa mga kasama nila” (talata 16). Matapos ipagdasal ni Eliseo na buksan ng Panginoon ang mga mata ng kanyang tagapaglingkod, nakita ng tagapaglingkod ang “mga kabayo at mga karwahe ng apoy sa palibot ni Eliseo” ( talata 17).

“Maaaring may mga pagkakataon na nahihirapan kayo, tulad ng alila, na makita kung paano kumikilos ang Diyos sa inyong buhay—mga panahon na pakiramdam ninyo ay kinukubkob kayo—kapag napapasuko na kayo dahil sa mga pagsubok ng buhay. Maghintay at magtiwala sa Diyos at sa Kanyang takdang panahon, dahil maaari ninyong buong-pusong ipagkatiwala sa Kanya ang inyong puso. … Maaari din kayong manalangin na buksan ng Panginoon ang inyong mga mata para makita ang mga bagay na hindi ninyo karaniwang nakikita” (Michelle D. Craig, “Mga Matang Nakakakita,” Liahona, Nob. 2020, 15).

Maaaring hindi natin makita ang mga ito, ngunit ang Panginoon at ang Kanyang hukbo ng mga anghel ay nasa paligid natin (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 84:88). “Kung ang Diyos ay kakampi natin, sino ang laban sa atin?” (Mga Taga Roma 8:31).