2022
Ibinabaling ng mga Banal na Kasulatan ang Ating Puso sa Diyos
Hulyo 2022


“Ibinabaling ng mga Banal na Kasulatan ang Ating Puso sa Diyos,” Liahona, Hulyo 2022.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

2 Mga Hari 21–23

Ibinabaling ng mga Banal na Kasulatan ang Ating Puso sa Diyos

Sinabi ni Pangulong Spencer W. Kimball na ang salaysay tungkol kay Haring Josias, na makikita sa 2 Mga Hari 21–23, “ay isa sa pinakamagagandang kuwento sa buong banal na kasulatan” (sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: Lumang Tipan 2022, 129).

Paano Natagpuan ni Haring Josias ang mga Banal na Kasulatan

Larawan
Iniutos ni Haring Josias sa mga tao na alisin ang mga diyus-diyusan

Nililinis ni Haring Josias ang Lupain ng mga Diyus-diyusan, © Look and Learn / Bridgeman Images

Si Josias ay naging hari ng Juda noong siya ay walong taong gulang lamang. Namana niya ang isang kaharian ng mga taong naniniwala sa mga huwad na diyos, pero nais niyang sundin ang Panginoon. Sa ikawalong taon ng kanyang panunungkulan, iniutos niya na wasakin ang mga dambana at mga diyus-diyusan sa buong Juda.

Larawan
mga taong nagbabasa ng mga banal na kasulatan

Ibinalik ni Josias, Hari ng Juda, ang Pagsamba sa Diyos sa Kanyang Kaharian, ng hindi kilalang artist, larawang kuha ni Stefano Bianchetti / Bridgeman Images

Makalipas ang sampung taon, hiniling niya sa kanyang mga tao na muling itayo ang templo sa Jerusalem, kung saan natagpuan ng mataas na saserdoteng si Hilkias ang mga banal na kasulatan. Nang basahin ni Haring Josias ang aklat, nahikayat siyang sundin ang mga turo nito. Pagkatapos ay tinipon niya ang kanyang mga tao at binasa ang aklat sa kanila.

Sa loob ng mahabang panahon, pinatigas ng mga tao ang kanilang mga puso laban sa Diyos. Pero nakatulong ang mga banal na kasulatan para maibaling ang puso ng mga tao sa Diyos. Nangako si Haring Josias sa mga tao na lalakad siya sa mga landas ng Panginoon at susundin ang mga kautusan.