2022
Pagpayag na Manaig ang Diyos sa Pagharap Natin sa mga Pagsubok
Agosto 2022


“Pagpayag na Manaig ang Diyos sa Pagharap Natin sa mga Pagsubok,” Liahona, Ago. 2022.

Welcome sa Isyung Ito

Pagpayag na Manaig ang Diyos sa Pagharap Natin sa mga Pagsubok

Larawan
babaing nakatanaw sa bintana

Sa isyung ito, isinulat ni Elder Dale G. Renlund ng Korum ng Labindalawang Apostol ang tungkol kay Job at ang malulungkot at mga hamong nakakapagpabago ng buhay na naranasan niya kahit siya ay isang mabuting tao. Isa sa mahahalagang aral ng aklat ni Job ay ang pagtitiwala niya sa Diyos ay nagbibigay sa kanya ng lakas at suporta hanggang sa dumating ang pagpapagaling ng Panginoon. Pinapatotohanan ni Elder Renlund, “Gustung-gusto ni Jesucristo na ipanumbalik ang hindi natin maipanumbalik, mapagaling ang mga sugat na hindi natin kayang pagalingin, ayusin ang hindi na kayang ayusin, at bayaran ang anumang kawalang-katarungang tiniis natin” (pahina 7).

Kabilang sa mga taong lubos na nangangailangan ng tulong na ito ay ang mga nakaligtas sa sexual assault o panghahalay. Sa aming propesyonal na trabaho sa therapy kasama ang mga nakaligtas, madalas kaming makaranas ng nakalulungkot na mga sitwasyon kung saan nasaktan ang isang tao dahil sa pang-aabuso sa kapangyarihan at pamimilit o dahil sa maling palagay o maling pagkaunawa tungkol sa kalayaang pumili, paggalang, at pagsang-ayon sa pisikal na pagpapadama ng pagmamahal at seksuwal na intimasiya.

Habang pinagagaling at inaalok ng Tagapagligtas ng pag-asa ang mga nakaligtas, makapagbibigay rin tayo ng suporta, panghihikayat, at habag sa mga taong nagdurusa sa kawalang-katarungan ng sexual assault o panghahalay. Sa isyung ito may laan kaming dalawang artikulo na maaaring makatulong:

  • Sa pahina 12, nagbahagi kami ng mahahalagang alituntunin para sa mabubuting ugnayan na batay sa pundasyon ng ebanghelyo.

  • Sa pahina 16, sinasagot namin ang mga tanong tungkol sa sexual assault o panghahalay at nagbibigay ng pag-asa at tulong sa mga biktima.

Dahil nakita namin ang sakit at trauma na may kaugnayan sa assault o panghahalay, dalangin namin na darating ang panahon na walang sinumang mapipilitan o mapupuwersa sa anumang uri ng sexual contact. Mangyayari ito kapag hinayaan ng mga anak ng Diyos na manaig ang Kanyang kalooban sa kanilang buhay at sa mga ugnayan.

Melissa K. Goates-Jones at Benjamin M. Ogles

Department of Psychology

Brigham Young University