2022
Lisbon, Portugal
Agosto 2022


“Lisbon, Portugal,” Liahona, Ago. 2022.

Narito ang Simbahan

Lisbon, Portugal

Larawan
world map showing Portugal
Larawan
tram sa Lisbon, Portugal

Ang matatarik na burol, makikitid na kalye, at tram cars ay karaniwang makikita sa gitna ng kabisera ng Portugal. Isang branch ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ang inorganisa sa Lisbon noong 1975, at dumami na ang mga miyembro mula noon. Ngayon, ang Simbahan sa Portugal ay may:

  • 45,600 na mga miyembro (humigit-kumulang)

  • 7 stake, 1 district, 59 ward at branch, 1 mission

  • 24 family history center, 1 templo

Pinatitibay Namin ang Pagmamahal ng Pamilya

Sa Vila Nova de Gaia, sa timog ng lungsod ng Porto, si Reginaldo Cruz at ang kanyang pamilya ay naglalakad at nag-uusap-usap. “Tulad ng pagtatayo ninyo ng gusali sa paisa-isang hollow block,” sabi ni Reginaldo, “paunti-unti naming pinatitibay ang pagmamahal ng pamilya.”

Larawan
isang mag-ama na naglalakad nang magkahawak-kamay