Institute
Lesson 6:Doktrina at mga Tipan 7; 13; 18


Lesson 6

Doktrina at mga Tipan 7; 1318

Pambungad at Timeline

Sa panahon na isinasalin ang Aklat ni Mormon noong 1829, nagkaiba ng opinyon sina Joseph Smith at Oliver Cowdery tungkol sa tanong na namatay ba o patuloy na nabuhay sa mundo si Apostol Juan. Nagtanong si Propetang Joseph Smith sa Panginoon sa pamamagitan ng Urim at Tummim at natanggap ang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 7. “Ang paghahayag ay isang naisaling ulat ng talaang isinulat ni Juan sa balat ng tupa” (D at T 7, section heading) at nagtuturo na ipinagkaloob ng Panginoon ang naisin ni Juan na mabuhay at makapagdala ng mga kaluluwa kay Jesucristo hanggang sa Ikalawang Pagparito.

Habang isinasalin ang 3 Nephi sa Aklat ni Mormon, nalaman nina Joseph at Oliver ang awtoridad na magbinyag. Noong Mayo 15, 1829, nagpunta sila sa kakahuyan malapit sa sakahan ni Joseph Smith sa Harmony, Pennsylvania, at ipinagdasal ang tungkol sa awtoridad na ito. Bilang sagot sa kanilang dalangin, nagpakita si Juan Bautista bilang isang nabuhay na mag-uling katauhan at ipinagkaloob sa kanila ang Aaronic Priesthood. Ang mga sinabi ni Juan Bautista ay nakatala sa Doktrina at mga Tipan 13.

Noong Hunyo 1829, nang malapit nang matapos ang pagsasalin ng Aklat ni Mormon sa tahanan ni Peter Whitmer Sr. sa Fayette, New York, tumanggap ng paghahayag si Propetang Joseph Smith na naglalaman ng mga tagubilin tungkol sa pagtatatag ng Simbahan ni Cristo. Sa paghahayag na ito, na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 18, tinawag si Oliver Cowdery at David Whitmer upang ipangaral ang ebanghelyo at itinalaga sila na maghanap ng labindalawang kalalakihang maglilingkod bilang mga Apostol. Idinetalye rin sa paghahayag ang maraming tungkulin ng mga taong tatawaging mga Apostol.

Abril 1829Patuloy na isinalin nina Joseph Smith at Oliver Cowdery ang mga laminang ginto.

Abril 1829Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 7.

Mayo 15, 1829Ipinanumbalik ni Juan Bautista ang Aaronic Priesthood (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 13).

Mayo–Hunyo 1829Ipinanumbalik nina Pedro, Santiago, at Juan ang Melchizedek Priesthood.

Hunyo 1829Ipinakita sa Tatlong Saksi ang mga laminang ginto.

Hunyo 1829Natanggap ang Doktrina at mga Tipan 18.

Mga Mungkahi sa Pagtuturo

Doktrina at mga Tipan 7

Si Juan, ang Pinakamamahal ay isang nilalang na nagbagong-kalagayan na naglilingkod upang makapagdala ng mga kaluluwa kay Cristo hanggang sa Ikalawang Pagparito

Humawak ng susi, at itanong sa mga estudyante kung saan ginagamit ito.

  • Ano ang mangyayari kapag mali ang susi na gagamitin mo sa isang bagay?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Russell M. Nelson ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Larawan
Pangulong Russell M. Nelson

“Ang mga susi ay mahalaga at kapaki-pakinabang. Karamihan sa atin ay may susi sa bulsa o bag saanman tayo pumunta. Ang iba pang mga susi ay hindi lamang mahalaga at kapaki-pakinabang; ang mga ito ay katangi-tangi, makapangyarihan, at hindi nakikita! Ang mga ito ay may walang hanggang kahalagahan” (Russell M. Nelson, “Mga Susi ng Priesthood,” Ensign, Okt. 2005, 40).

  • Anong mga susi ang walang-hanggan ang kahalagahan? (Mga susi ng priesthood.)

Sabihin sa mga estudyante na habang pinag-aaralan nila ang Doktrina at mga Tipan 7 at 13 na alamin ang mga katotohanan na makatutulong sa kanila na maunawaan ang mga pagpapalang bubuksan sa atin ng mga susi ng priesthood.

Ipaliwanag na noong isinasalin nina Joseph Smith at Oliver Cowdery ang Aklat ni Mormon noong Abril 1829, nagkaiba sila ng opinyon tungkol kay Apostol Juan. Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang section heading ng Doktrina at mga Tipan 7, at alamin ang katanungan nina Joseph at Oliver tungkol kay Juan.

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina at mga Tipan 7:1–8. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang nalaman nina Joseph Smith at Oliver Cowdery tungkol kay Apostol Juan.

  • Ano ang inihahayag ng talata 3 tungkol kay Juan? (Si Juan ay nasa mundo pa rin bilang isang taong nagbagong-kalagayan, naglilingkod upang magdala ng mga kaluluwa kay Cristo, at mananatili hanggang sa Ikalawang Pagparito.)

  • Ayon sa talata 7, ano ang sinabi ng Tagapagligtas na ibibigay Niya kina Pedro, Santiago, at Juan? (Ang kapangyarihan at mga susi ng paglilingkod.)

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang pariralang “mga susi ng ministeryong ito” (D at T 7:7), ipaliwanang na ang ibig sabihin ng pariralang ito ayon kay Pangulong Joseph Fielding Smith ay “awtoridad ng Panguluhan ng Simbahan sa kanilang dispensasyon” (Church History and Modern Revelation [1953], 1:49).

Doktrina at mga Tipan 13

Ipinagkaloob ni Juan Bautista ang Aaronic Priesthood kina Joseph Smith at Oliver Cowdery

Ipaalala sa mga estudyante na “nawala ang ebanghelyo ni Jesucristo sa mundo sa pamamagitan ng lubusang pagtalikod sa katotohanan na naganap kasunod ng pagmiministeryo ng mga Apostol ni Cristo sa lupa. Dahil sa lubusang pagtalikod na yaon sa katotohanan kinailangang mapanumbalik ang ebanghelyo” (Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Pagpapanumbalik ng Ebanghelyo,” scriptures.lds.org). Ang mga susi at awtoridad na isagawa ang mga ordenansa ng priesthood at mangasiwa sa Simbahan ay nawala sa mundo sa panahon ng apostasiyang ito.

Ipaliwanag na noong isinalin nina Joseph Smith at Oliver Cowdery ang 3 Nephi sa Aklat ni Mormon noong Mayo 1829, nalaman nila ang tungkol sa awtoridad na magbinyag. Dahil sa hangarin na may malaman pa, nagtungo sila sa kakahuyan malapit sa sakahan ni Joseph Smith sa Harmony, Pennsylvania, para magtanong sa Diyos.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang section heading ng Doktrina at mga Tipan 13, at sabihin sa klase na alamin kung sino ang nagpakita kina Joseph at Oliver bilang tugon sa kanilang mga panalangin.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 13, at sabihin sa klase na alamin kung ano ang sinabi ni Juan Bautista tungkol sa mga susi ng Aaronic Priesthood nang ipagkaloob niya ang priesthood na iyan kina Joseph at Oliver.

  • Anong doktrina ang matututuhan natin mula sa bahaging ito tungkol sa Aaronic Priesthood? (Tulungan ang mga estudyante na matukoy ang sumusunod na doktrina: hawak ng Aaronic priesthood ang mga susi ng paglilingkod ng mga anghel, ng ebanghelyo ng pagsisisi, at ng binyag sa pamamagitan ng paglulubog para sa kapatawaran ng mga kasalanan.)

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang ibig sabihin ng mga susi ng paglilingkod ng mga anghel, ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag ni Elder Dallin H. Oaks ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Larawan
Elder Dallin H. Oaks

“Bilang isang kabataang maytaglay ng Aaronic Priesthood, hindi ko inisip na makakakita ako ng anghel, at inisip ko kung ano ang kinalaman sa Aaronic Priesthood ng gayong mga pagpapakita.

“Ngunit maaaring hindi rin nakikita ang paglilingkod ng mga anghel. Ang mga mensahe ng mga anghel ay maipaparating sa pamamagitan ng tinig o sa pamamagitan lamang ng kaisipan o damdamin na naiisip natin” (Dallin H. Oaks, “The Aaronic Priesthood and the Sacrament,” Ensign, Nob. 1998, 39).

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang kaugnayan ng paglilingkod ng mga anghel at ng Aaronic Priesthood, ipakita ang sumusunod na pahayag ni Elder Oaks, at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:

Larawan
Elder Dallin H. Oaks

“Sa pangkalahatan, ang mga pagpapala ng espirituwal na patnubay at komunikasyon ay ibinibigay lamang sa mga taong malinis. … Sa pamamagitan ng mga ordenansa ng Aaronic Priesthood na binyag at sakramento, tayo ay nalilinis sa ating mga kasalanan at pinangangakuan na kung tutuparin natin ang ating mga tipan laging mapapasaatin ang Kanyang Espiritu upang makasama natin. Naniniwala ako na ang pangakong iyan ay hindi lamang tumutukoy sa Espiritu Santo kundi pati na rin sa paglilingkod ng mga anghel, sapagkat ‘ang mga anghel ay nagsasalita sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo; anupa’t, nangungusap sila ng mga salita ni Cristo’ (2 Ne. 32:3). Kaya nga ang mga maytaglay ng Aaronic Priesthood ang nagbubukas ng pinto para sa lahat ng miyembro ng Simbahan na karapat-dapat na tumanggap ng sakramento para mapatnubayan ng Espiritu ng Panginoon at matanggap ang paglilingkod ng mga anghel” (Dallin H. Oaks, “The Aaronic Priesthood and the Sacrament,” 39).

  • Ayon kay Elder Oaks, paano tayo matutulungan ng mga ordenansa ng Aaronic Priesthood na matanggap ang paglilingkod ng mga anghel?

Ipaliwanag na dahil hawak ng Aaronic Priesthood ang susi ng paglilingkod ng mga anghel, matatamasa ng lahat ng miyembro ng Simbahan ang pagpapalang ito.

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang kaugnayan ng “ebanghelyo ng pagsisisi” (D at T 13:1) at ng Aaronic Priesthood, ipakita ang sumusunod na pahayag ni Elder Oaks, at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:

Larawan
Elder Dallin H. Oaks

“Tayo ay inutusang magsisi sa ating mga kasalanan at lumapit sa Panginoon nang may bagbag na puso at nagsisising espiritu, at tumanggap ng sakramento bilang pagsunod sa mga tipan nito. Kapag pinaninibago natin ang ating mga tipan sa binyag sa ganitong paraan, pinaninibago ng Panginoon ang nakalilinis na epekto ng ating binyag. …

“Hindi tayo maglalabis sa pagbanggit ng kahalagahan ng Aaronic Priesthood na ito. Lahat ng mahahalagang hakbang na ito na nauukol sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan ay isinasagawa sa pamamagitan ng nakapagliligtas na ordenansa ng binyag at nagpapanibagong ordenansa ng sakramento. Ang mga ordenansang ito ay parehong pinangangasiwaan ng mga maytaglay ng Aaronic Priesthood sa ilalim ng pamamahala ng bishopric, na gumagamit ng mga susi ng ebanghelyo ng pagsisisi at ng pagbibinyag at ng kapatawaran ng mga kasalanan” (Dallin H. Oaks, “The Aaronic Priesthood and the Sacrament,” 38).

  • Paano nakatutulong sa atin ang mga susi ng Aaronic Priesthood na matanggap ang mga pagpapala ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo?

Ipaliwanag na mga ilang araw mula nang magpakita si Juan Bautista, nagpakita sina Pedro, Santiago, at Juan kina Joseph Smith at Oliver Cowdery at ipinagkaloob sa kanila ang Melchizedek Priesthood at mga susi ng kaharian ng Diyos (tingnan sa D at T 27:12–13; tingnan din sa Larry C. Porter, “The Restoration of the Aaronic and Melchizedek Priesthoods,” Ensign, Dis. 1996, 33). Ang Melchizedek Priesthood at ang mga susing ipinagkaloob ay may kapangyarihan at awtoridad na ayusin at pamahalaan ang Simbahan ni Jesucristo at magsagawa ng iba pang nakapagliligtas na mga ordenansa.

Doktrina at mga Tipan 18:1–25

Nagbigay ng mga tagubilin ang Panginoon para sa pagtatayo ng Kanyang Simbahan at tinawag sina Oliver Cowdery at David Whitmer na mangaral ng pagsisisi

Magdispley ng ilang bagay na ituturing na mahalaga ng iyong mga estudyante.

  • Bakit nagiging mahalaga ang isang bagay?

  • Magkano ang ibabayad mo sa bawat bagay na ito?

Magpakita ng larawan ng ilang tao, at sabihin sa mga estudyante na ilarawan ang kahalagahan ng isang tao. Sabihin sa kanila na alamin ang mga katotohanan sa Doktrina at mga Tipan 18 na naglalarawan kung gaano sila kahalaga sa Panginoon.

Ipaliwanag na noong Hunyo 1829, malapit nang matapos ang pagsasalin ng Aklat ni Mormon sa tahanan ni Peter Whitmer Sr. sa Fayette, New York, at natanggap ni Propetang Joseph Smith ang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 18. Sa mga talata 1–5, tiniyak ng Panginoon kay Oliver Cowdery na ang mga salitang isinulat niya sa panahon ng pagsasalin ay totoo. Iniutos din ng Panginoon kay Oliver na itayo ang Kanyang Simbahan sa ebanghelyo na matatagpuan sa Aklat ni Mormon. Sa Doktrina at mga Tipan 18:9, tinawag ng Panginoon sina Oliver Cowdery at David Whitmer upang mangaral ng pagsisisi.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 18:10, at sabihin sa klase na tukuyin ang doktrina na itinuro ng Panginoon kina Oliver Cowdery at David Whitmer. (Imungkahi na markahan ng mga estudyante ang sumusunod na doktrina sa kanilang mga banal na kasulatan: Ang kahalagahan ng mga kaluluwa ay dakila sa paningin ng Diyos.)

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 18:11–12. Sabihin sa klase na alamin ang ginawa ng Tagapagligtas dahil sa kahalagahan ng bawat isa sa ating mga kaluluwa.

  • Ano ang ginawa ng Tagapagligtas dahil sa kahalagahan ng bawat isa sa ating mga kaluluwa? (Ang kahalagahan ng ating mga kaluluwa ay napakalaki kung kaya’t pinasan at pinagdusahan ni Jesucristo ang ating mga pasakit, nang sa gayon ay magsipagsisi tayo at lumapit sa Kanya. Isulat sa pisara ang doktrinang ito.)

  • Paano naapektuhan ng pagpapahalaga ng Tagapagligtas sa inyong kaluluwa ang kahandaan ninyong magsisi at lumapit sa Kanya?

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Doktrina at mga Tipan 18:13–16, at alamin ang itinuro ng Panginoon tungkol sa pagtulong sa iba na magsisi at lumapit sa Kanya. Ipaliwanag na ang pariralang “ipangaral ang pagsisisi” (D at T 18:14) ay maaaring mangahulugan ng pagtulong sa mga tao na makabalik sa Diyos.

  • Ayon sa talata 13, ano ang nadarama ng Tagapagligtas kapag nagsisisi tayo sa ating mga kasalanan?

  • Anong alituntunin ang matututuhan natin mula sa mga talatang ito tungkol sa kung ano ang mangyayari sa atin kung tutulungan natin ang iba na magsisi at lumapit kay Cristo? (Kung tinutulungan natin ang iba na magsisi at lumapit kay Jesucristo, kasama natin silang magagalak sa kaharian ng Ama sa Langit.)

Sabihin sa ilang estudyante na magbahagi ng mga naranasan nila sa pagtulong sa iba na lumapit kay Cristo at ang kagalakan na nadama nila sa paggawa nito.

Hikayatin ang mga estudyante na gumawa ng plano na tulungan ang isang tao na nagsisikap na magsisi at lumapit kay Cristo.

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 18:17–25 na ipinapaliwanag na pinayuhan ng Panginoon sina Oliver Cowdery at David Whitmer hinggil sa gawaing misyonero at ipinaliwanag na ang mga nagsisisi, nabinyagan, at nagtitiis hanggang wakas ay maliligtas.

Doktrina at mga Tipan 18:26–47

Inihayag ng Panginoon ang tungkulin at misyon ng Labindalawang Apostol

Ibuod ang Doktrina at mga Tipan 18:26–40 na ipinapaliwanag na ipinaalam ng Panginoon kina Oliver Cowdery at David Whitmer na tatawag Siya ng Labindalawang Apostol upang ipangaral ang ebanghelyo sa buong mundo. Iniutos din ng Panginoon sa mga magiging Apostol na maging malinis at ipahayag ang ebanghelyo ayon sa kapangyarihan ng Espiritu Santo. Sina Oliver Cowdery at David Whitmer ay tinawag upang hanapin ang kalalakihang tinawag ng Diyos na maging Labindalawang Apostol. Kalaunan, tinawag din si Martin Harris upang tumulong sa paghanap sa Labindalawa.

Tapusin ang lesson sa pag-anyaya sa ilang estudyante na ibahagi ang kanilang patotoo tungkol sa isa sa mga katotohanang itinuro sa lesson ngayon.