Musika
Manatili sa Piling Ko


97

Manatili sa Piling Ko

Mapitagan

1. Manatili sa piling ko, Ama;

Ang takipsilim, sumasapit na!

Kung lahat man sa aki’y magtaksil,

O, manatili sa aking piling!

2. O kaybilis matapos ng araw,

L’walhati ng mundo’y pumapanaw.

Ang lahat ay nagbabagong lagi

Liban sa ’Nyo, O Diyos, manatili!

3. O Diyos, Kayo ay kailangan ko,

Laging tulungan nang ’di matukso.

Sino pa ba ang gagabay sa ’kin?

Aking Panginoon, manatili!

Titik: Henry F. Lyte, 1793–1847

Himig: William H. Monk, 1823–1889

Lucas 24:29

Juan 15:4–12