Musika
Munting Bayan ng Betlehem


127

Munting Bayan ng Betlehem

Mapayapa

1. Munting bayan ng Betlehem,

Payapa’t mahimbing,

Habang ika’y umiidlip,

Tala’y nagniningning.

’Sinilang ang liwanag

Sa ’yong kadiliman.

Ang pag-asa at pangamba

Ngayo’y makakamtan.

2. Si Cristo ay isinilang,

At sa kalangitan,

Tumatanod mga anghel

Upang S’ya’y bantayan.

O tala ng umaga,

Balita’y itanghal,

Purihin n’yo ang Haring Diyos

Nating minamahal.

3. Kay tahimik na inalay

Ang dakilang handog!

Biyaya ng kalangitan,

Diyos ang nagkaloob.

Sa daigdig ng sala,

’Di man S’ya tanggapin,

Sa pusong mapagkumbaba

Si Cristo’y darating.

Titik: Phillips Brooks, 1835–1893

Himig: Lewis H. Redner, 1831–1908

Mikas 5:2

Lucas 2:4–16