Musika
Ngayon ay Kumilos


139

Ngayon ay Kumilos

May lakas

1. Ngayon ay kumilos nang buong giting,

Lahat ng iyong tungkulin ay tuparin.

Ngayon ay umawit, h’wag nang mangamba.

Buhay at mundo’y sadyang kayganda.

[Chorus]

Ngayon, ngayon, ay kumilos ka;

Ngayon, ngayon, ika’y gumawa.

Ngayon, ngayon, ay magsikap na;

Kumilos ngayon nang bukas ay handa.

2. Ngayon, pagsikapan ang yamang tunay.

Ligaya at kapayapaan sa buhay.

Ngayon, sundin ang hangarin ng puso.

Tama’y piliin habang narito.

[Chorus]

Ngayon, ngayon, ay kumilos ka;

Ngayon, ngayon, ika’y gumawa.

Ngayon, ngayon, ay magsikap na;

Kumilos ngayon nang bukas ay handa.

3. Ngayon, hangarin mo ang kabutihan;

Tampok sa ’yong buhay, ang katotohanan.

Ngayon, ugaliin, ang katapatan,

At h’wag magmaliw magpakailanman.

[Chorus]

Ngayon, ngayon, ay kumilos ka;

Ngayon, ngayon, ika’y gumawa.

Ngayon, ngayon, ay magsikap na;

Kumilos ngayon nang bukas ay handa.

Titik: L. Clark, mga 1880, bin.

Himig: Evan Stephens, 1854–1930

Doktrina at mga Tipan 64:23–25, 33

Ang mga Saligan ng Pananampalataya 1:13