Musika
Mga Banal ng Diyos, Gising!


8

Mga Banal ng Diyos, Gising!

May lakas

1. Mga Banal ng Diyos, gising!

At sa Kanya manalangin

Nang mapalaya ang Sion

At maiadya sa tukso,

At maiadya sa tukso.

2. Maganib man ang kalaban,

Tanikala’y matibay man,

Ang Diyos ni Jacob ay gising,

At pagganti N’ya’y darating,

At pagganti N’ya’y darating.

3. Sa pananalig na lubos,

Pagpapakumbabang taos,

Sa diwa’t pusong may tapang,

Layunin N’ya’y paghandaan,

Layunin N’ya’y paghandaan.

4. Gayahin ang Ama’t Anak,

Bawat Banal, magkaisa.

Kundi’y sabi ng Diyos sa ’tin,

“Kayo ay hindi sa akin,

Kayo ay hindi sa akin!”

Titik: Eliza R. Snow, 1804–1887

Himig: Evan Stephens, 1854–1930

Mga Taga-Roma 13:11–14

Doktrina at mga Tipan 38:27