2013
Binabasbasan ni Jesus ang Maliliit na Bata
Oktubre 2013


Para sa Maliliit na Bata

Binabasbasan ni Jesus ang Maliliit na Bata

Maraming tao ang nagtipon sa paligid ni Jesus. Gusto nilang marinig ang Kanyang mga kuwento. Gusto nilang marinig Siyang magturo tungkol sa langit.

Kapag maysakit ang mga tao, pinagagaling sila ni Jesus. Pinagaling Niya ang mga taong hindi nakakakita. Pinagaling Niya ang mga taong hindi nakakarinig.

Isang araw dinala ng ilang tao ang kanilang maliliit na anak para makita si Jesus. Gusto nilang basbasan Niya ang kanilang mga anak. Sinabi ng mga disipulo ni Jesus sa mga tao na huwag abalahin si Jesus. Inisip nila na napakarami Niyang ginagawa.

Ngunit laging may panahon si Jesus. Sinabi Niya sa mga disipulo na hayaang lumapit sa Kanya ang mga bata. Sinabi Niya na ang kaharian ng langit ay para sa mga taong tulad ng maliliit na bata.

Mahal ni Jesus ang lahat ng bata. Hindi mahalaga kung sino kayo, ano ang hitsura ninyo, o saan kayo nakatira. Mahal kayo ni Jesus!

Mga paglalarawan ni Shawna J. C. Tenney