2013
Mga Ideya para sa Family Home Evening
Oktubre 2013


Mga Ideya para sa Family Home Evening

Ang isyung ito ay naglalaman ng mga artikulo at aktibidad na magagamit sa family home evening. Narito ang dalawang halimbawa.

“Pagiging Isang Missionary ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo,” pahina 46: Isiping talakayin bilang pamilya ang limang katangian ng mga missionary ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo. Pagkatapos ay subukang sundin ang mga alituntunin. Maaari ninyong sama-samang repasuhin nang bahagya ang isang bahagi ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo at bigyan ng maiikling pagkakataon ang iba’t ibang miyembro ng pamilya na subukang ituro ang mga bahagi ng mga missionary lesson habang nagkukunwari namang mga investigator ang iba pang mga miyembro ng pamilya. Maaari ninyong talakayin ang mga hamon ng gawaing misyonero at mag-isip ng mga paraan para magkaroon ng mga katangiang inilarawan ni Elder David A. Bednar.

“Maging Matatag, Maging Malusog, Maging Matalino,” pahina 52: Matapos repasuhin ang artikulo ni Elder Adrián Ochoa, isiping magplano ng aktibidad na nagtutulot sa inyong mga kapamilya na sabay-sabay na igalaw o pasiglahin ang inyong katawan. Maaari kayong maglaro ng isang isport o maglakad-lakad. Tiyaking iakma ang inyong aktibidad sa edad at kakayahan ng mga miyembro ng pamilya (halimbawa, maaari ninyong patulungin ang nakatatandang mga anak sa nakababatang mga anak sa pagtapos ng aktibidad). Pagkatapos ng aktibidad, talakayin bilang pamilya ang mga pakinabang ng pagkakaroon ng masiglang pangangatawan. Maaari din kayong magplano ng mga paraan para patuloy na magtulungan bilang pamilya na sundin ang payo ng ating mga buhay na propeta na ingatan ang ating katawan.

Sa Inyong Wika

Ang Liahona at iba pang mga materyal ng Simbahan ay makukuha sa maraming wika sa languages.lds.org.

Paglalarawan ni craig dimond