2013
Ang Ating Pahina
Oktubre 2013


Ang Ating Pahina

Itinuro sa akin ng mga magulang ko ang ebanghelyo at naging mabubuting halimbawa sila sa akin mula pa noong maliit ako. Natuto akong magbasa ng mga kuwentong pambata, at ngayon ang gusto ko ay ang Aklat ni Mormon. Binabasa ko ito araw-araw, nang mag-isa at nang kasama ang pamilya ko. Si Ammon ang paborito kong tauhan sa Aklat ni Mormon. Siya ay kahanga-hangang missionary, at gusto kong maging katulad niya paglaki ko.

Esteban M., edad 8, Colombia

Nang magbakasyon ang pamilya ko sa Panama, ang bayang sinilangan ng nanay ko, kami ng nakababata kong kapatid na babae na si Yhoalibeth ay isinama ng mga magulang namin sa pagpunta sa Panama City Panama Temple. Ipinahawak sa amin ng aming nanay ang pader ng templo. Kalaunan, nang sabihin ko sa nanay ko na napakasaya ko noong nasa templo kami, sinabi niya na nadama ko ang Espiritu Santo.

Sergio B. Jr., edad 7, Florida, USA

Pasha Z., edad 9, Ukraine

Noong si Letícia C., edad 6, ay 3 taong gulang, naitayo na ang Curitiba Brazil Temple. Gustung-gusto niyang pumunta sa templo, at nagpunta roon araw-araw sa huling linggo ng open house. Gustung-gusto pa rin niyang pumunta sa templo at lumibot sa magagandang halamanan. Mahilig ding magdrowing at lumangoy si Letícia.

Primary: Sumunod kay Jesus

Gusto ni Maurizio D., edad 11, taga-Italy, ang sacrament meeting dahil natututuhan niya ang tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Gusto niyang magsimba dahil masaya roon at nakakatuwa at napakaganda nito. Masaya siya sa Simbahan at marami siyang kaibigan.

Noong naghahanda kami para sa groundbreaking ng Tijuana Mexico Temple, masayang-masaya kami. Nagpunta kaming pamilya para maglingkod. Nilinis namin ang bakuran ng templo. Alam kong bibisitahin ng Panginoon ang Kanyang bahay kapag natapos na ito.

Jesus S., edad 6, Mexico

Ang pag-aaral ng mga banal na kasulatan ay tumutulong sa akin na piliin ang tama.

“Ang mga Laminang Ginto,” ni P. Tuyêt Hoa, edad 10, Cambodia

Pinipili ko ang tama kapag sinusunod ko ang Ama sa Langit at si Jesucristo.

N. Thi LinĐa, edad 8, Cambodia

Ang paborito kong bahagi sa Aklat ni Mormon ay ang kuwento tungkol kay Nephi at ang pagtawid sa dagat.

Kelly C., edad 10, Philippines

Kailangan nating mabuklod sa templo para makapiling natin ang ating pamilya magpakailanman.

Shanna C., edad 8, Philippines

Gusto kong magsimba kasama ang aking pamilya at mag-aral tungkol kay Jesucristo. Sa bahay gusto kong basahin at pag-aralan ang mga kuwento sa mga banal na kasulatan, kumanta ng mga himno, at maglaro sa family home evening. Pinagpapala ng ebanghelyo ang aking pamilya at pinasasaya ako. Nakapagbigay na ako ng Aklat ni Mormon sa tatlong guro sa paaralan at sa matalik kong kaibigang si Miguel. Ang paborito kong awitin sa Primary ay “Katotohanan Niya’y Dadalhin Natin sa Mundo” (Aklat ng mga Awit Pambata, 92).

Martim P., edad 6, Portugal

Henrique S., edad 7, Brazil