2013
Maaaring Humiling ng Priesthood Line of Authority ang mga Miyembro
Oktubre 2013


Maaaring Humiling ng Priesthood Line of Authority ang mga Miyembro

Ang Simbahan ay maaari na ngayong magbigay ng impormasyon tungkol sa priesthood line of authority bilang serbisyo sa mga miyembro na hihiling nito. Ang priesthood line of authority ay ang pagkakasunud-sunod ng mga ordinasyon na matutunton pabalik sa pagsisimula ng Simbahan hanggang sa Tagapagligtas.

Bagama’t ang isang priesthood holder sa katungkulang Pitumpu ay maaaring isama sa personal line of authority ng isang miyembro, walang hiwalay na line of authority para sa katungkulan ng Pitumpu. Gayundin, ang priesthood line of authority ng naorden na mga bishop at patriarch ay matutunton sa kanilang ordinasyon bilang high priest.

Impormasyon lamang tungkol sa mga Melchizedek Priesthood line of authority ang maaaring hilingin mula sa Simbahan; walang makukuhang mga Aaronic Priesthood line of authority. Ang mga miyembro ay maaaring humiling ng impormasyon tungkol sa Melchizedek Priesthood line of authority para lamang sa kanilang sarili, sa isang anak na nakatira sa bahay nila, o sa isang binatang missionary na kasalukuyang nasa misyon. Ang mga dokumentong ito ay hindi mga opisyal na rekord ng Simbahan.

Kung nais ninyong hilingin ang inyong priesthood line of authority, isama ang inyong buong legal na pangalan, petsa ng kapanganakan, membership record number (makukuha sa temple recommend o sa inyong ward clerk), pangalan ng taong nag-orden sa inyo sa katungkulang elder o high priest (kung alam), at kung saan ito ipadadala at ang numero ng inyong telepono o email address.

Ipadala ang inyong kahilingan sa:

Priesthood Line of Authority

Global Service Center

120 North 200 West

Salt Lake City, Utah 84103-1514, USA

Fax: 1-801-240-6816

Telepono: 1-800-453-3860, extension 2-3500

Email: Magpadala ng email sa lineofauthority@ldschurch.org na may “PLA” sa subject line. Tatanggap naman kayo ng isang form na pupunan at ibabalik (may automated reply sa anumang mensaheng may nakasulat na “PLA” sa subject line).

Ang priesthood line of authority para sa mga nagsasagawa ng mga ordenansa ay matutunton pabalik sa Tagapagligtas.

Inoorden ni Cristo ang Labindalawang Apostol, ni Harry Anderson © IRI