2013
Ang Kaloob sa Akin na si Jen
Oktubre 2013


Ang Kaloob sa Akin na si Jen

Ang awtor ay naninirahan sa Utah, USA.

Nakagawa ako ng sunud-sunod na maling desisyon noong sophomore ako sa high school. Masasamang bunga at kalungkutan ang kinahantungan ng mga desisyong iyon, at nagpasiya akong gamitin ang aking bakasyon para simulang gumawa ng pagbabago. Nang muling magsimula ang pasukan, sa loob ng banyo o sa pasilyong walang tao ako nananghalian para makaiwas ako sa masamang barkadang naghihintay sa akin.

Noon lang ako nakaramdam ng pag-iisa.

Pagkatapos ay may regalong ibinigay sa akin ang Diyos: ipinadala Niya sa akin Jen. Hindi niya ako hinusgahan kailanman sa mga pagkakamali ko at sa halip ay hinikayat akong magpatuloy sa tamang direksyon. Ang kaalaman na nasa paaralan siya ay nakatulong para patuloy kong basahin ang aking mga banal na kasulatan at pangalagaan ang aking patotoo. Pagsapit ng graduation, napatunayan ko sa aking sarili na handa na akong magbago.

Iniisip ko kung minsan kung nasaan na kaya ako ngayon kung hindi ako tinulungan ni Jen. Nasunod ko kaya ang mga prinsipyo ko kung wala siya? Mabuti na lang, hindi ko iyon malalaman kailanman dahil naroon siya at handang tulungan ako nang buong puso.