2013
Paghihintay sa Winter Quarters
Oktubre 2013


Sa Daan

Paghihintay sa Winter Quarters

Isang Bagong Lungsod

Matapos mapatay si Propetang Joseph Smith, naging mapanganib na lugar ang Nauvoo, Illinois. Nilisan ng mga Banal ang kanilang tahanan para maghanap ng mas ligtas na lugar na matitirhan. Noong Pebrero 1846, nagsimulang maglakbay pakanluran ang unang grupo ng mga Banal, ngunit nagpabagal sa kanila ang masamang panahon at karamdaman. Nang nakatawid na sila sa Iowa, huli na para matawid nila ang Rocky Mountains bago sumapit ang taglamig sa taon na iyon. Kaya pumili ng lugar ang mga lider ng Simbahan kung saan maaaring manatili ang mga Banal habang taglamig. Pinangalanan nila itong Winter Quarters.

Pagtutulungan

Ang ilan ay nagtayo ng bahay na yari sa troso o lupang madamo. Ang iba ay nanirahan sa mga tolda at kuweba. Sinikap ng mga Banal na maging masaya sa gitna ng matagal at maginaw na taglamig. Nagtulungan sila. Nagpunta sila sa mga konsiyerto at nag-awitan at nagsayawan. Gumawa sila ng gilingan ng harina, nagtayo ng bulwagang bayan, at pagawaan ng basket.

Pagpapatuloy

Napakahirap ng panahong ginugol ng mga Banal sa Winter Quarters. Marami ang namatay. Ngunit nanalig ang mga pioneer na pagpapalain sila ng Panginoon at tutulungan silang makarating sa Sion. Nang sumapit ang tagsibol, nilisan ng unang grupo ng mga pioneer ang Winter Quarters para maglakbay patungong Salt Lake Valley.

Ngayon ay makikita ninyo ang magandang Winter Quarters Nebraska Temple at mabibisita ang Mormon Trail Center sa Winter Quarters para marami pang malaman tungkol sa mga pioneer.

Ang displey na ito sa loob ng Mormon Trail Center sa Winter Quarters ay replika ng kampong itinayo sa Iowa trail kung saan isinulat ni William Clayton ang himnong “Mga Banal, Halina” (Mga Himno, blg. 23).

Sa Mormon Trail Center, makikita ninyo ang iba’t ibang uri ng mga suplay na dinala ng mga Banal sa kanilang paglalakbay pakanluran. Sinabihan sila ng mga lider ng Simbahan na magdala ng harina, mga pampalasa, bigas, beans, at gatas ng baka.

Ang ilan sa mga Banal ay nagtayo ng matitirhang mga bahay na yari sa troso habang nasa Winter Quarters sila.

Ang mga Banal Habang Tumatawid sa Mississippi, ni Grant Romney Clawson © IRI; mga larawang kuha nina Jennifer Maddy at Welden C. Andersen

Ang Iowa Trail

Iowa

Nauvoo

Winter Quarters