Mga Tulong sa Pag-aaral
Asiria


Asiria

Isang sinaunang imperyo na, tulad ng katunggali nitong Babilonia, ay namahala sa marami sa mga lumang estado ng Siria at Palestina sa halos buong panahon ng Lumang Tipan. Bagaman nagkaroon ng malaking kapangyarihan ang mga taga-Asiria mula sa kalagitnaan ng ika-12 daang taon B.C. hanggang sa pagwawakas ng ika-7 daang taon B.C., kailanman ay hindi nila nagawang makapagtatag ng isang matibay na pamunuan. Namahala sila sa pamamagitan ng paninindak, winawasak ang kanilang mga kaaway sa pamamagitan ng apoy at espada o pinahihina sila sa pamamagitan ng pagtatapon ng malalaking bilang ng mamamayan sa iba-ibang dako ng kanilang imperyo. Ang kanilang mga nasasakupan ay di tumigil na maging kanilang mga kaaway, at ang lahat ng pangyayari sa imperyo ay kakikitaan ng walang tigil na pag-aalsa. ( Tingnan sa 2 Hari 18–19; 2 Cron. 32; Is. 7:17–20; 10; 19; 37).