Mga Tulong sa Pag-aaral
Bagong Tipan


Bagong Tipan

Isang tinipon na mga nabigyang-siglang kasulatan (orihinal na nasa Griyego) tungkol sa buhay at ministeryo ni Jesucristo, ng mga Apostol, at ng iba pang mga tagasunod ni Jesucristo. Kalimitang nahahati ang Bagong Tipan sa mga Ebanghelyo, ang mga Gawa ng mga Apostol, ang mga sulat ni Pablo, ang mga sulat pangkalahatan, at ang aklat ng Apocalipsis.

Ang apat na Ebanghelyo—ang mga aklat ni Mateo, Marcos, Lucas, at Juan—ay mga ulat ng buhay ni Cristo. Natatala sa aklat ng Mga Gawa ang kasaysayan ng Simbahan at ng mga Apostol, lalung-lalo na ang pangmisyonerong paglalakbay ni Pablo, pagkatapos mamatay si Cristo. Nagbibigay ang mga sulat ni Pablo ng tagubilin sa mga pinuno ng Simbahan at sa mga kasapi. Isinulat ang ibang mga liham ng ibang mga Apostol at nagbibigay ng karagdagang payo sa mga naunang Banal. Ang aklat ng Apocalipsis, na isinulat ni Apostol Juan, ay naglalaman karamihan ng mga propesiya hinggil sa mga huling araw.