Mga Tulong sa Pag-aaral
Genesis


Genesis

Isang salitang Griyego na nangangahulugang “pinagmulan” o “simula”. Ang aklat ng Genesis ay unang aklat sa Lumang Tipan at isinulat ng propetang si Moises. Nagbibigay ito ng ulat ng maraming pasimula katulad ng paglikha ng mundo, ang paglalagay ng mga hayop at tao sa mundo, ang pagkahulog nina Adan at Eva, ang paghahayag ng ebanghelyo kay Adan, ang simula ng mga lipi at lahi, ang pinagmulan ng iba’t ibang wika sa Babel, at ang pinagmulan ng mag-anak ni Abraham na nagbigay-daan sa pagkakatatag ng sambahayan ni Israel. Ang ginampanan ni Jose bilang isang tagapangalaga ng Israel ay binigyang-diin sa Genesis.

Pinagtitibay at ipinaliliwanag ng paghahayag sa huling araw ang mga tala sa Genesis (1 Ne. 5; Eter 1; Moi. 1–8; Abr. 1–5).

Sa aklat ng Genesis, iniuulat sa mga kabanata 1–4 ang paglikha ng daigdig at ang paglaganap ng mag-anak ni Adan. Itinala sa mga kabanata 5–10 ang kasaysayan ni Noe. Nasasaad sa mga kabanata 11–20 ang tungkol kay Abraham at sa kanyang mag-anak hanggang sa panahon ni Isaac. Sa mga kabanata 21–35 ang tungkol sa mag-anak ni Isaac. Nasasaad sa kabanata 36 ang tungkol kay Esau at sa kanyang mag-anak. Nasasaad sa mga kabanata 37–50 ang tungkol sa mag-anak ni Jacob at nagbibigay-ulat tungkol kay Jose na ipinagbili sa Egipto at sa kanyang ginampanang papel sa pagliligtas sa sambahayan ni Israel