Mga Tulong sa Pag-aaral
Pangkalahatang Pagsang-ayon


Pangkalahatang Pagsang-ayon

Ang alituntunin kung paano itinataguyod ng mga kasapi ng Simbahan ang mga yaong tinawag na maglingkod sa Simbahan, gayon din sa iba pang pagpapasiya ng Simbahan na humihingi ng kanilang tulong, na karaniwang ipinakikita sa pamamagitan ng pagtataas ng kanang kamay.

Si Jesucristo ang nangungulo sa kanyang Simbahan. Sa pamamagitan ng pagbibigay-inspirasyon ng Espiritu Santo, ginagabayan niya ang mga pinuno ng Simbahan sa mahahalagang gawain at pagpapasiya. Gayunman, lahat ng kasapi ng Simbahan ay may karapatan at pribilehiyong itaguyod o hindi itaguyod ang mga pagkilos at pagpapasiya ng kanilang mga pinuno.