Mga Tulong sa Pag-aaral
Jose, Anak ni Jacob


Jose, Anak ni Jacob

Sa Lumang Tipan, ang panganay na anak nina Jacob at Raquel (Gen. 30:22–24; 37:3).

Natamo ni Jose ang pagkapanganay sa Israel sapagkat si Ruben, ang panganay na anak sa unang asawa ni Jacob, ay nawalan ng pribilehiyo dahil sa pagkakasala (1 Cron. 5:1–2). Sapagkat karapat-dapat siya, si Jose, bilang panganay na anak sa pangalawang asawa ni Jacob, ay kasunod sa hanay para sa pagbabasbas. Nakatanggap din si Jose ng pagbabasbas mula sa kanyang ama kaagad bago namatay si Jacob (Gen. 49:22–26).

Si Jose ay isang lalaking may kahanga-hangang katangian, isang taong “mahinahon at matalino” (Gen. 41:39). Ang kanyang pagtanggi sa asawa ni Potiphar ay isang halimbawa ng pananampalataya, kalinisang-puri, at sariling katapatan (Gen. 39:7–12). Sa Egipto, nang ibunyag ni Jose ang kanyang tunay na katauhan sa kanyang mga kapatid, nagpasalamat siya sa halip sisihin sila kung paano nila siya pinakitunguhan. Naniwala siya na nakatulong ang kanilang mga ginawa upang maisakatuparan ang dakilang kalooban ng Diyos (Gen. 45:4–15).

Ipinahayag ng paghahayag sa huling araw ang mas malaking misyon ng mag-anak ni Jose sa mga huling araw (2 Ne. 3:3–24; 3 Ne. 20:25–27; PJS, Gen. 50).