Bilang mga anak ng ating Ama sa Langit, lahat ng lalaki at babae ay espirituwal na magkakapatid. Sa Simbahan, ang mga kasapi at kaibigan ng Simbahan ay kadalasang tinatawag na mga kapatid .
Sino mang gumaganap ng kalooban ng aking Ama, ay siyang aking kapatid na lalaki at babae, Mat. 12:50 (Mar. 3:35 ).
Kapag ikaw ay nagbalik-loob, pagtibayin ang iyong mga kapatid, Lu. 22:32 .
Siya na hindi nagmamahal sa kanyang kapatid ay nananahan sa kamatayan, 1 Juan 3:10–17 .
Pahalagahan ng bawat tao ang kanyang kapatid gaya ng kanyang sarili, D at T 38:24–25 .
Ang mga batas na pinamamahalaan ng pagtatapat ng mga kasalanan sa kapatid na lalaki at babae sa Simbahan ay ipinahayag, D at T 42:88–93 .
Patatagin ang iyong mga kapatid sa lahat ng iyong pakikipag-usap, D at T 108:7 .