Mga Tulong sa Pag-aaral
Opisyal na Pahayag—1


Opisyal na Pahayag1

Nilimbag sa mga pangwakas na pahina ng Doktrina at mga Tipan, ang unang bahagi ng Opisyal na Pahayag—1 ay kilala rin na Manifesto (Pahayag). Ito ay ibinigay ni Pangulong Wilford Woodruff at inihayag sa mga kasapi ng Simbahan sa isang pangkalahatang pagpupulong noong ika-6 ng Oktubre 1890. Simula noong 1862, iba’t ibang batas sa sumunod na dalawampu’t limang taon ay nagtakda na ang maramihang pagpapakasal ay hindi naaayon sa batas sa Estados Unidos. Ipinakita ng Panginoon kay Wilford Woodruff sa pamamagitan ng pangitain at paghahayag ang mangyayari kung hindi ititigil ng mga Banal ang pagsasagawa ng maramihang pagpapakasal. Maayos na ipinahayag ng Manifesto (Pahayag) na ang maramihang pagpapakasal ay hindi na isinasagawa.