Mga Tulong sa Pag-aaral
Kaban ng Tipan


Kaban ng Tipan

Tanyag din bilang Kaban ni Jehova at ang Kaban ng Patotoo, ang Kaban ng Tipan ay isang parihabang baul o kahon na yari sa kahoy na nababalutan ng ginto. Ito ang pinakaluma at pinakabanal na sagisag na pangrelihiyon ng mga Israelita. Ang Luklukan ng Awa na siyang takip nito ay ipinalalagay na lugar na siyang pinananahanan ni Jehova sa mundo (Ex. 25:22). Nang matapos ang tabernakulo, inilagay ang kaban sa Kabanal-banalang Dako, ang pinakabanal na dako sa tabernakulo (1 Hari 8:1–8).