Mga Tulong sa Pag-aaral
Paaralan ng mga Propeta


Paaralan ng mga Propeta

Sa Kirtland, Ohio (Estados Unidos ng Amerika), noong taglamig ng 1832–1833, nag-utos ang Panginoon kay Joseph Smith na magtatag ng isang paaralan sa hangaring sanayin ang mga kapatid sa lahat ng bagay na nauukol sa ebanghelyo at kaharian ng Diyos. Sa paaralang ito nagbuhat ang maraming sinaunang pinuno ng Simbahan. Isa pang paaralan ng mga propeta o ng mga elder ay pinamunuan ni Parley P. Pratt sa Jackson County, Missouri (D at T 97:1–6). Nagkaroon kaagad ng ganoon ding paaralan matapos dumayo ang mga Banal sa Kanluran; gayunman, hindi ito ipinagpatuloy. Ang pagtuturo ng ebanghelyo ngayon ay ginagawa sa tahanan, sa mga korum ng pagkasaserdote, at sa iba’t ibang mga samahang pantulong, at sa pamamagitan ng mga paaralan at klase sa seminaryo at institute sa Simbahan.