Mga Tulong sa Pag-aaral
Baluti sa Dibdib


Baluti sa Dibdib

Bumabanggit ang mga banal na kasulatan ng dalawang uri ng mga baluti sa dibdib: (1) Ang harapang bahagi ng pananggalang na kasuotan ng isang kawal o baluti. Sa paraan ng pagsasagisag, nararapat magsuot ang mga Banal ng baluti ng kabutihan upang pangalagaan ang kanilang sarili laban sa kasamaan (Is. 59:17; Ef. 6:14). (2) Isang bahagi ng damit na isinusuot ng mataas na saserdote sa ilalim ng mga batas ni Moises (Ex. 28:13–30; 39:8–21). Ito ay yari sa linen at may labindalawang mahahalagang hiyas. Paminsan-minsan ito ay tinutukoy kaugnay ng Urim at Tummim (D at T 17:1; JS—K 1:35, 42, 52).