Mga Tulong sa Pag-aaral
Propetisa


Propetisa

Isang babae na nakatatanggap ng patotoo tungkol kay Jesus at nagtatamasa ng diwa ng paghahayag. Hindi nagtataglay ang isang propetisa ng pagkasaserdote o ng mga susi nito. Bagamat iilan lamang sa mga kababaihan ang natatawag na propetisa sa banal na kasulatan, marami ang nagpropesiya, kagaya nina Rebeca, Ana, Elisabet, at Maria.