Mga Tulong sa Pag-aaral
Budhi


Budhi

Ang panloob na pagkilala sa tama at mali, na nagmumula sa Liwanag ni Cristo sa lahat ng tao (Moro. 7:16). Isinilang tayo na may likas na kakayahang makilala ang tama at mali dahil sa ibinigay na Liwanag ni Cristo sa bawat tao (D at T 84:46). Ang bagay na ito ay tinatawag na budhi. Ang pagkakaroon nito ang siyang lumilikha ng pagiging may pananagutan natin bilang mga nilalang. Tulad ng ibang kakayahan, ang ating budhi ay maaaring manghina dahil sa kasalanan o maling paggamit.