Mga Tulong sa Pag-aaral
Laminang Tanso, Mga


Laminang Tanso, Mga

Isang talaan ng mga Judio mula sa simula hanggang 600 B.C. na naglalaman ng maraming sulatin ng mga propeta (1 Ne. 5:10–16). Iningatan ang talaang ito ni Laban, isa sa mga elder na Judio sa Jerusalem. Habang si Lehi at ang kanyang mag-anak ay nasa ilang, isinugo ni Lehi ang kanyang mga anak na lalaki pabalik sa Jerusalem upang makuha ang talaang ito (1 Ne. 3–4). (Para sa karagdagang kaalaman, tingnan ang “Isang Maikling Paliwanag Tungkol sa Aklat ni Mormon,” na nasa Aklat ni Mormon.)