Mga Tulong sa Pag-aaral
Pagkakatawag at Pagkakahirang


Pagkakatawag at Pagkakahirang

Ang mabubuting tagasunod ni Cristo ay maaaring mabilang sa mga pinili na nakatanggap ng katiyakan sa kadakilaan. Nagsisimula ang pagkakatawag at pagkakapiling ito sa pagsisisi at pagbibinyag. Nalulubos ito kapag sila ay “magpapatuloy, nagpapakabusog sa salita ni Cristo, at magtitiis hanggang wakas” (2 Ne. 31:19–20). Tinatawag ang hakbanging ito ng mga banal na kasulatan na pagtiyak sa ating pagkakatawag at pagkakahirang (2 Ped. 1:4–11; D at T 131:5–6).