Mga Tulong sa Pag-aaral
Sadrach


Sadrach

Sa Lumang Tipan, sina Sadrach, Mesach, at Abed-nego ang tatlong kabataang Israelitang kasama ni Daniel, na dinala sa palasyo ni Nabucodonosor, hari ng Babilonia. Ang pangalan ni Sadrach sa Hebreo ay Ananias. Umiwas ang apat na kabataang lalaki na mapahamak ang kanilang sarili sa pagkain at pag-inom ng alak ng hari (Dan. 1). Inihagis ng hari sa mabangis na hurnong nagniningas sina Sadrach, Mesach, at Abed-nego at iniligtas ng Anak ng Diyos (Dan. 3).