Mga Tulong sa Pag-aaral
Cronolohiya


Cronolohiya

Ang mga sumusunod na cronolohiya, o tala ng mga pangyayari, ay hindi gaanong marami at nagnanais lamang na magbigay sa mga mambabasa ng kaalaman ng sunud-sunod na mga pangyayaring naganap noong panahong biblikal at ng Aklat ni Mormon:

Mga pangyayari noong kapanahunan ng mga sinaunang patriyarka: (Dahil sa kahirapan ng pagtiyak ng mga tamang petsa ng mga pangyayari sa bahaging ito, ang mga petsa ay hindi ibinigay.)

B.C. (o B.P.C.—Bago ang Panahon ng mga Cristiyano)

4000

Nahulog si Adan.

Naglingkod si Enoc.

Naglingkod si Noe; binaha ang mundo.

Itinayo ang Tore ng Babel; naglakbay ang mga Jaredita patungo sa lupang pangako.

Naglingkod si Melquisedec.

Namatay si Noe.

Isinilang si Abram (Abraham).

Isinilang si Isaac.

Isinilang si Jacob.

Isinilang si Jose.

Ipinagbili si Jose patungong Egipto.

Humarap si Jose sa Faraon.

Nagtungo si Jacob (Israel) at ang kanyang mag-anak sa Egipto.

Namatay si Jacob (Israel).

Namatay si Jose.

Isinilang si Moises.

Pinamunuan ni Moises ang mga anak ni Israel palabas ng Egipto (ang Exodo).

Nagbagong-kalagayan si Moises.

Namatay si Josue.

Pagkamatay ni Josue, nagsimula ang panahon ng mga hukom, ang unang hukom ay si Othoniel at si Samuel ang huli; ang pagkakaayos at petsa ng iba pa ay hindi gaanong tiyak.

Pinahirang maging hari si Saul.

Mga Pangyayari sa Nagkakaisang Kaharian ng Israel:

1095

Nagsimula ang paghahari ni Saul.

1063

Pinahirang maging hari si David ni Samuel.

1055

Naging hari si David sa Hebron (Ephron).

1047

Naging hari si David sa Jerusalem; nagpropesiya sina Nathan at Gad.

1015

Naging hari si Solomon ng buong Israel.

991

Natapos ang templo.

975

Namatay si Solomon; naghimagsik ang sampung lipi sa hilaga laban kay Rehoboam, na kanyang anak, at nahati ang Israel.

Mga Pangyayari sa Israel:

Mga Pangyayari sa Juda:

Mga Pangyayari sa Kasaysayan ng Aklat ni Mormon:

975

Naging hari si Jeroboam ng Israel.

949

Si Sisac, hari ng Egipto, ay dinambong ang Jerusalem.

875

Namahala si Acab sa Samaria sa may hilagang Israel; nagpropesiya si Elijah.

851

Gumawa si Eliseo ng mga dakilang himala.

792

Nagpropesiya si Amos.

790

Nagpropesiya sina Jonas at Oseas.

740

Nagsimulang magpropesiya si Isaias. (Natatag ang Roma; si Nabonasar ay naging hari ng Babilonia noong 747; naging hari si Tiglathpileser â…¢ ng Asiria magmula 747 hanggang 734.)

728

Naging hari si Ezechias ng Juda. (Naging hari si Salmanasar â…£ ng Asiria.)

721

Nawasak ang Hilagang Kaharian; nadalang bihag ang sampung lipi; nagpropesiya si Mikas.

642

Nagpropesiya si Nahum.

628

Nagpropesiya sina Jeremias at Zefanias.

609

Nagpropesiya si Obadias; nadalang bihag si Daniel sa Babilonia. (Bumagsak ang Ninive noong 606; naging hari si Nabucodonosor ng Babilonia magmula 604 hanggang 561.)

600

Nilisan ni Lehi ang Jerusalem.

598

Nagpropesiya si Ezekiel sa Babilonia; nagpropesiya si Habacuc; naging hari ng Juda si Zedekias.

588

Lumisan si Mulek mula sa Jerusalem patungo sa lupang pangako.

588

Ihiniwalay ng mga Nephita ang kanilang sarili mula sa mga Lamanita (sa pagitan ng 588 at 570).

587

Nasakop ni Nabucodonosor ang Jerusalem.

Mga Pangyayari sa Kasaysayan ng Judio:

Mga Pangyayari sa Kasaysayan ng Aklat ni Mormon:

537

Ipinag-utos ni Ciro na makababalik na ang mga Judio mula sa Babilonia.

520

Nagpropesiya sina Hagai at Zacarias.

486

Nabuhay si Ester.

458

Naatasan si Ezra na gumawa ng mga pagbabago.

444

Nahirang si Nehemias na maging gobernador ng Judea.

432

Nagpropesiya si Malakias.

400

Natanggap ni Jarom ang mga lamina.

360

Natanggap ni Omni ang mga lamina.

332

Nasakop ng Dakilang Alexander ang Siria at Egipto.

323

Namatay si Alexander.

277

Ang Septuagint, na pagsasalin ng mga banal na kasulatang Judio sa salitang Griyego, ay sinimulan.

167

Nag-alsa si Mattatias, ang Macabeo laban sa Siria.

166

Naging pinuno si Hudas Macabeo ng mga Judio.

165

Nilinis ang templo at muling inilaan; pinasimulan ang Hanukka.

161

Namatay si Hudas Macabeo.

148

Namatay na isang martir si Abinadi; muling itinatag ni Alma ang Simbahan sa gitna ng mga sa gitna ng mga Nephita.

124

Ibinigay ni Benjamin ang kanyang huling talumpati sa mga Nephita.

100

Sinimulan nina Nakababatang Alma at mga anak ni Mosias ang kanilang gawain.

91

Nagsimula ang panunungkulan ng mga hukom sa mga Nephita.

63

Nasakop ni Pompey ang Jerusalem, at nagwakas ang pamamahala ng mga Macabeo sa Israel.

51

Namahala si Cleopatra.

41

Pinagsamang tetrarka sina Herodes at Phasael sa Judea.

37

Naging pinuno si Herodes sa Jerusalem.

31

Pinaglabanan ang Digmaan ng Actium; naging emperador ng Roma si Augusto magmula 31 B.C. hanggang A.D. 14.

30

Namatay si Cleopatra.

17

Muling ipinatayo ni Herodes ang templo.

6

Iprinopesiya ni Samuel, ang Lamanita ang pagsilang ni Cristo.

Mga Pangyayari sa Kasaysayang Cristiyano:

Mga Pangyayari sa Kasaysayan ng Aklat ni Mormon:

A.D. (o P.C.—Panahong Cristiyano)

A.D. (o P.C.)

Ang pagsilang ni Jesucristo

30

Nagsimula ang ministeryo ni Cristo.

33

Ipinako sa krus si Cristo.

33 o 34

Nagpakita ang nabuhay na mag-uling si Cristo sa Amerika.

35

Nagbalik-loob si Pablo.

45

Humayo si Pablo sa kanyang unang paglalakbay bilang misyonero.

58

Isinugo si Pablo sa Roma.

61

Nagwakas ang kasaysayan ng mga Gawa ng mga Apostol.

62

Nasunog ang Roma; inusig ang mga Cristiyano sa ilalim ni Nero.

70

Lumikas ang mga Cristiyano sa Pella; nilusob ang Jerusalem at nasakop.

95

Inusig ang mga Cristiyano ni Domitian.

385

Nawasak ang bansang Nephita.

421

Itinago ni Moroni ang mga lamina.