Mga Tulong sa Pag-aaral
Judas


Judas

Sa Bagong Tipan, isa sa mga kapatid ni Jesus at malamang na may-akda ng sulat ni Judas (Mat. 13:55; Jud. 1:1).

Ang sulat ni Judas

Ang aklat na ito ay binubuo ng isang sulat mula kay Judas sa ilang mga Banal na nanghihina sa pananampalataya. Sila ay pinahihina ng mga yaong nasa kanila na nagpapahayag na mga Cristiyano ngunit gumagawa ng imoral na paganong pagsamba at nagpapahayag na sila ay hindi saklaw sa pagsunod sa moral na batas. Ninais ni Judas na gisingin ang mga Banal sa pag-unawa ng kanilang espirituwal na panganib at himukin sila na manatiling tapat.

Ilan sa mahahalagang sipi sa Judas ay talata 6, na nag-uulat sa digmaan sa langit at ang pagtataboy kay Lucifer at sa kanyang mga anghel mula roon sa kalagayang bago pa ang buhay na ito (Abr. 3:26–28), at mga talata 14–15, na bumabanggit sa isang propesiya na ginawa ni Enoc.