Ang buhay bago ang buhay sa mundo. Lahat ng tao ay nabuhay kasama ng Diyos bilang kanyang mga espiritung anak bago nagtungo sa mundo bilang mga mortal na tao. Minsan ito ay tinatawag na unang kalagayan (Abr. 3:26 ).
Nang ilagay ng Diyos ang saligan ng mundo, lahat ng anak ng Diyos ay sumigaw sa kagalakan, Job 38:4–7 .
Ang espiritu ay babalik sa Diyos na nagbigay nito, Ec. 12:7 .
Bago kita inanyuan sa tiyan ay kilala na kita, Jer. 1:4–5 .
Tayong lahat ay kanyang mga anak, Gawa 17:28 .
Pinili tayo ng Diyos bago itinatag ang daigdig, Ef. 1:3–4 .
Tayo’y pasasakop sa Ama ng mga espiritu, Heb. 12:9 .
Ang mga anghel na hindi nangag-ingat ng kanilang sariling pamunuan, ay iingatan niya sa mga tanikalang walang hanggan, Jud. 1:6 (Abr. 3:26 ).
Ang Diyablo at ang kanyang mga anghel ay pinalayas, Apoc. 12:9 .
Lahat ng bagay ay nilikhang espirituwal bago sila likhain sa lupa, Moi. 3:5 .
Ako ang lumikha ng daigdig, at ng mga tao bago pa sila napasalaman, Moi. 6:51 .
Nakita ni Abraham ang mga karunungan na isinaayos bago pa itatag ang daigdig, Abr. 3:21–24 .