Mga Tulong sa Pag-aaral
Timoteo


Timoteo

Sa Bagong Tipan, isang bata pang misyonerong kasama ni Pablo sa panahon ng ministeryo ni Pablo (Gawa 16:1–3; 2 Tim. 1:1–5); anak ng isang amang Griyego at inang Judio; siya at ang kanyang mga magulang ay nanirahan sa Listra.

Itinuring ni Pablo si Timoteo bilang kanyang “sariling anak sa pananampalataya” (1 Tim. 1:2, 18; 2 Tim. 1:2). Marahil si Timoteo ang pinakapinagkakatiwalaan at maaasahang katuwang ni Pablo (Fil. 2:19–23).