Mga Tulong sa Pag-aaral
Taga-Efeso, Sulat sa mga


Taga-Efeso, Sulat sa mga

Sa Bagong Tipan, isang sulat na isinulat ng apostol na si Pablo sa mga Banal ng Efeso. Ang sulat ay may malaking kahalagahan, sapagkat ito ay naglalaman ng mga turo ni Pablo tungkol sa Simbahan ni Cristo.

Nilalaman ng kabanata ang karaniwang pagbati. Ipinaliliwanag sa kabanata 2–3 ang pagbabagong naganap sa mga tao nang sila ay naging mga kasapi ng Simbahan—sila ay naging kasamahan ng mga Banal, ng mga Gentil at ng mga Judio na nagkaisa sa isang Simbahan. Ang kabanata 4–6 ay nagpapaliwanag ng mga tungkulin ng mga Apostol at propeta, ang kinakailangang pagkakaisa, at ang pangangailangang isuot ang buong baluti ng Diyos.