Mga Tulong sa Pag-aaral
Jethro


Jethro

Isang prinsipe at saserdote sa Lumang Tipan sa Madian na nagbigay kay Moises ng tahanan pagkatapos tumakas si Moises mula sa Egipto. Tinawag din siyang Reuel (Ex. 2:18). Sa bandang huli pinakasalan ni Moises ang anak ni Jethro na si Zephora (Ex. 3:1; 4:18; 18:1–12). Tinuruan ni Jethro si Moises na ibigay ang ibang tungkulin sa iba (Ex. 18:13–27). Natanggap ni Moises ang Pagkasaserdoteng Melquisedec mula kay Jethro (D at T 84:6–7).