2009
Komentaryo
Agosto 2009


Komentaryo

Inaakay Tayo Nito sa Tamang Landas

Nabinyagan ako mga isang taon na ang nakalilipas, at pinasasalamatan ko ang Panginoon sa pagsusugo ng mga misyonero sa aking tahanan. Salamat sa mga banal na kasulatan at sa mga turo ng mga propeta na inilathala sa Liahona, mas naunawaan ko ang buhay na ito at ang pagmamahal ng Diyos sa akin at sa aking pamilya. Napalakas ng mga banal na kasulatan at mga turo ng ebanghelyo sa Liahona ang aking patotoo, natulungan akong lumago, at napangalagaan ang aking espiritu. Hinihikayat ko ang lahat na basahin ang Liahona; inilalapit tayo nito sa ating Ama at inaakay tayo sa tamang landas.

Stephanie Acosta, Uruguay

Ipinapakita sa Atin ng Tagapagligtas ang Daan

Nagpapasalamat ako sa Liahona, lalo na sa isyu tungkol sa Tagapagligtas (Marso 2008). Pinasigla ako nito at pinalakas ang aking patotoo tungkol sa Kanya. Ginawa Niya ang lahat para sa atin. Nagpakita Siya ng perpektong halimbawa kung paano mamuhay sa mundong ito, paano daigin ang mga pagsubok, at kung paano hindi matitinag sa pagsunod sa mga utos. Labis akong nagpapasalamat sa Tagapagligtas. Alam kong Siya ay buhay. Lagi Siyang handang aliwin tayo at ituro sa atin ang daan. Kailangan lang nating lumapit sa Kanya.

Nenetha C. YbaƱez, Pilipinas