2009
Tulungan ang Iba
Agosto 2009


Halina’t Pakinggan ang Tinig ng Isang Propeta

Tulungan ang Iba

Mula sa isang mensahe sa debosyonal na ibinigay sa Brigham Young University noong Nobyembre 13, 2007.

Itinuro ni Pangulong Monson na maaari tayong lumigaya kapag tumutulong tayo sa iba.

Larawan
President Thomas S. Monson

Para matagpuan ang tunay na kaligayahan, huwag nating isipin ang ating sarili. Maraming sumapi sa Simbahan—o nakakaalam man lang at gumagalang sa Simbahan—dahil sa isang taong nagsikap na tumulong. Ibabahagi ko sa inyo ang isang mahalagang karanasan ng pamilya namin na nagsimula noong 1959, noong ako ay natawag na mangulo sa Canadian Mission sa Toronto.

Ang anak naming si Ann ay limang taon pa lang pagdating namin sa Canada. Nakita niya ang mga misyonerong nagsasagawa ng kanilang gawain, at nais niya ring maging misyonero. Naunawaan ito ng aking asawa kaya’t pinayagan niya si Ann na magdala sa klase ng ilang kopya ng Children’s Friend [Kaibigan ng mga Bata] [na tinatawag na ngayong Friend [Kaibigan]. Hindi iyon sumapat kay Ann. Gusto rin niyang magdala ng kopya ng Aklat ni Mormon para makausap niya ang titser niyang si Miss Pepper tungkol sa Simbahan.

Ilang taon pa lang ang nakararaan, maraming taon na mula nang makabalik kami mula sa Toronto, umuwi kami mula sa bakasyon at nakita namin sa aming mail-box ang isang liham mula kay Miss Pepper na nagsasaad na:

Mahal Kong Ann:

Gunitain mo ang maraming taong nagdaan. Ako ang titser mo noon sa Toronto, Canada. Natuwa ako sa mga kopya ng Children’s Friend na dinala mo sa eskuwelahan. Humanga ako sa katapatan mo sa librong tinatawag na Aklat ni Mormon.

Nangako ako sa sarili ko na balang-araw ay pupunta ako sa Salt Lake City at aalamin kung bakit ganoon kang magsalita at bakit ganoon ang paniniwala mo. Ngayon ay nagkaroon ako ng pribilehiyong magpunta sa visitors’ center ninyo sa Temple Square. Salamat sa isang limang-taong-gulang na batang babae na nakakaunawa sa kanyang pinaniniwalaan, at mas nauunawaan ko na ngayon Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.

Di nagtagal pumanaw si Miss Pepper matapos bumisita sa Salt Lake City. Napakasaya ni Ann nang pumunta siya sa Jordan River Utah Temple at isagawa ang gawain sa templo para sa kanyang mahal na titser na natulungan niya maraming taon na ang nakalilipas.

Sina Pangulong Monson at Sister Monson noong 1961 kasama sina Ann at ang kanyang mga kapatid na lalaki, sina Tom (kaliwa) at Clark (gitna).

Mga paglalarawan ni Beth M. Whittaker; larawan ni Sister Dibb na kuha ng Busath Photography

Pagtulong