2009
Mga Ideya para sa Family Home Evening
Agosto 2009


Mga Ideya para sa Family Home Evening

Ang mga mungkahing ito sa pagtuturo ay magagamit sa loob ng klase gayundin sa tahanan. Maaari ninyong iakma ang mga ideyang ito sa inyong pamilya o sa klase.

“Pagbubukas sa Kalangitan,” p. 16: Matapos ibuod ang artikulo sa inyong pamilya, magpalitan ng mga ideya kung paano makalilikha ng sagradong kapaligiran sa tahanan ang inyong pamilya. Kung hindi pa ito nagagawa ng mga kapamilya, subukang isagawa ang payo ni Elder Yoshihiko Kikuchi. Ibahagi ang inyong mga karanasan sa susunod na linggo.

“Pag-iingat sa Panganib na Nagmumula sa Loob,” p. 22: Bigyan ang mga kapamilya ng ilang building block. Habang nagkukuwento kayo, magpatayo sa kanila ng isang dingding na kakatawan sa pagprotekta sa pamilya. Talakayin kung ano ang magagawa ninyo para palakasin ang mga espirituwal na dingding ng inyong tahanan. Ilista ang “mga lihim na pasukan” na maaaring tangkaing gamitin ng kaaway, at talakayin kung paano magprotekta laban sa pananakop. Basahin ang bahaging “Pagpapatibay sa Ating Pamilya,” at magtapos sa pagbasa sa sinabi ni Elder L. Tom Perry.

“Masyadong Banal?” p. 37: Ibuod ang artikulo, at ipatukoy sa mga kapamilya kung paano nagbago si Ian para mapanatiling matatag ang kanyang pananampalataya. Tinutukoy ang pangalawa-sa-huling talata, talakayin kung paano makatutulong ang payo ni Ian sa pamilya ninyo na “maging katulad ng nais ni Jesus para sa atin—banal.”

“Mga Huwaran,” p. 38: Magsimula sa pagsasabi sa mga kapamilya na ilista ang mga huwaran nila o idrowing ang taong hinahangaan nila. Magbahagi ng mga halimbawa ng mga huwaran mula sa artikulo ni Elder Benson E. Misalucha, at talakayin ang mga katangiang dapat taglayin ng isang huwaran. Magtapos sa pagbasa sa huling tatlong talata ng artikulo.

“Paglikas ni Jason,” p. K10: Magdaos ng fire drill sa inyong pamilya, at magkita-kita sa itinakdang lugar sa labas ng bahay (pumito o gumamit ng timbre na tulad sa alarma). Pagkatapos, magtanong kung paano nakatulong ang alarma sa inyong pamilya na malaman kung kailan lilikas. Basahin ang kuwento. Itanong kung anong uri ng mga mapanganib na sitwasyong espirituwal ang maaaring makaharap ng mga kapamilya. Basahin ang sinabi ni Pangulong Henry B. Eyring, at talakayin kung paano makatutulong ang pananampalataya at Espiritu Santo para malaman natin kung kailan lilikas.