2009
Ang Templo: Pupunta Ako Doon Balang-Araw
Agosto 2009


Oras ng Pagbabahagi

Ang Templo—Pupunta Ako Doon Balang-Araw

“Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: at anomang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit; at anomang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit” (Mateo 16:19).

Isang Linggo sa miting ng patotoo, sinabi ng siyam-na-taong gulang na si Angie sa kongregasyon na paborito niya ang kantang “Mag-anak ay Magsasamang Walang Hanggan.” Sabi ni Angie masaya at maganda ang plano ng Ama sa Langit para magkasama-sama tayo magpakailanman.

Hindi pa nabubuklod sa templo ang mga magulang ni Angie. Pagkaraan ng araw na iyon, si Katie na kapatid ni Angie ay nag-iwan ng liham sa unan ng kanilang mga magulang, at hinikayat silang pumunta sa templo.

Gustung-gusto nina Angie at Katie na mabuklod na ang kanilang pamilya. Ipinagdasal ng kanilang mga magulang ang pagpunta sa templo. Nagsikap nang husto ang kanilang pamilya para makapaghanda. Nang dumating ang tamang panahon, nakapunta sa templo ang kanilang pamilya at nabuklod magpakailanman.

Kahit hindi pa nabubuklod ang pamilya mo, balang-araw ay makakapunta kayo sa templo. Pagsapit mo sa edad na 12, makapagpapabinyag ka na sa templo para sa mga patay. Maaari ka nang magsimula ngayon sa pamamagitan ng pagsunod sa mga utos at pamumuhay ayon sa Mga Pamantayan Ko sa Ebanghelyo.

Aktibidad

Gupitin ang mga wordstrip sa pahina K8, at ilagay ang mga ito sa mangkok, bag, o garapon. Gumamit ng maliliit na bato o butones para sa mga pitsa ng laro. Maghalinhinan sa pagkuha ng wordstrip, at basahin ito nang malakas. Pagkatapos ay bilangin kung ilang salita ang naroon, at iabante ang pitsa mo sa mga puwang ayon sa bilang ng mga salita. Magpatuloy hanggang makarating sa templo ang lahat ng pitsa.

Magpabinyag at magpakumpirma

Magsimba

Tumanggap ng sacrament

Magsisi

Sundin ang propeta

Maging masunurin

Maging mabait

Magkaroon ng mabubuting kaisipan

Magbayad ng ikapu

Pag-aralan ang mga banal na kasulatan

Manalangin

Sundin ang Word of Wisdom

Maging matapat

Magpatawad sa iba

Igalang ang mga magulang mo

Sumampalataya kay Jesucristo

Magpakita ng pagmamahal sa iyong pamilya

Mahalin ang Panginoon

Maglingkod sa iba

Panatilihing banal ang araw ng Sabbath

Mga Ideya sa Oras ng Pagbabahagi

  1. Ang pamilya ko ay maaaring magkasama magpakailanman sa pamamagitan ng mga ordenansa ng templo. Habang binabasa mo ang Doktrina at mga Tipan 138:48, sabihan ang mga bata na pakinggan ang mga gawain sa templo na nagbubuklod sa mga pamilya magpakailanman (“pagbubuklod ng mga anak sa kanilang mga magulang”). Ipakita ang Gospel Art Picture Kit 417 (Ipinanumbalik ni Elijah ang Kapangyarihang Magbuklod ng mga Pamilya sa Kawalang-hanggan). Ituro ang pagpapakita ni propetang Elijah sa Kirtland Temple para ipanumbalik ang kapangyarihang magbuklod (tingnan sa D at T 110:13–15). Para maipaunawa sa mga bata ang “kapangyarihang magbuklod,” magpakita ng larawan ng templo sa inyong lugar at ipaliwanag na kung ang mga mag-asawa ay ikinasal sa templo at tinutupad ang mga pangakong ginawa nila roon, kasal pa rin sila matapos silang mamatay. Ikuwento ang pagbubuklod ng pamilya nina Angie at Katie sa templo (sa kaliwa). Pagdrowingin ng malaking larawan ng isang templo ang bawat bata. Pagkatapos ay pagdrowingin sila ng maliit na larawan ng kanilang pamilya o magiging pamilya sa likuran ng papel. Pagkatapos nila, ipataas ang mga drowing nila sa liwanag para maaninaw nila ang kanilang pamilya sa loob ng templo. Ibahagi ang patotoo mo na ang mga pamilya ay maaaring magkasama magpakailanman.

  2. Pinagpapala ng family history at gawain sa templo ang lahat ng henerasyon ng aking pamilya. Papuntahin sa harapan ng silid ang pitong bata. I-teyp ang karatulang Ako sa batang nasa gitna. Lagyan ng tatak na Magulang, Lolo o Lola, Lolo-sa-tuhod o Lola-sa-tuhod ang mga bata sa kanyang kaliwa. Lagyan ng tatak na Anak, Apo, Apo-sa-tuhod ang mga bata sa kanyang kanan. Ipaliwanag na bawat tao ay kumakatawan sa isang henerasyon ng pamilya. Sabihin sa mga bata na nang bumuo ng mga pamilya ang Ama sa Langit, ipinlano Niya na magtulungan tayong makabalik upang makapiling Siya magpakailanman. Basahin ang Malakias 4:6. Ipaliwanag na ang pagbaling “ng puso ng mga ama sa mga anak, at ang puso ng mga anak sa kanilang mga magulang” ay ang pagbubuklod ng lahat ng henerasyon ng ating pamilya magpakailanman sa pamamagitan ng mga ordenansa sa templo. Tumutukoy din ang talatang iyan sa pagmamahal na madarama natin sa ating mga ninuno kapag nalaman natin ang tungkol sa kanila. Sa pahintulot ng bishop o branch president, anyayahan ang lolo o lola ng isa sa mga batang dumadalo sa Primary. Sa simula pa lang, magsulat na ng mga tanong sa mga piraso ng papel, at hayaang maghalinhinan ang mga bata sa pagpili at pagtatanong sa lolo o lola. Simulan ang bawat tanong sa “Noong kaedad po namin kayo …” (Posibleng mga tanong: Ano po ang paborito ninyong tradisyon ng pamilya? Ano po ang ginawa ninyo ng inyong mga kaibigan para magkasayahan kayo? Hikayatin ang mga bata na magtanong sa kanilang mga magulang at lolo’t lola para marami pa silang malaman tungkol sa kanila.

Paglalarawan ni Thomas S. Child