2009
Matalino Ka Ba sa Paggamit ng Media?
Agosto 2009


Matalino Ka Ba sa Paggamit ng Media?

Makakatulong ang mga kompyuter, TV, at pelikula para matuto at matuwa ka. Ngunit may masasamang bagay sa mga ito na makakasama sa iyo. Narito ang 10 paraan para manatiling ligtas kapag nag-kompyuter ka o nanood ng TV:

  1. Laging magpaalam sa magulang bago ka gumamit ng Internet o manood ng TV, at gumamit lang ng mga kompyuter o manood ng telebisyon sa lantad na lugar ng bahay, at nakikita ng iyong mga magulang.

  2. Buksan lamang ang mga Web site na alam mo at ng iyong mga magulang na mabuti para sa mga bata. Hilingin sa iyong mga magulang na i-set ang TV at Web browser para mahadlangan ang masasamang palabas.

  3. Huwag matakot na umalis sa silid o hilingin sa isang tao na ihinto ang mga pelikula, video game, o musika na hindi ka komportable.

  4. Kung mayroon kang pahina sa isang social networking Web site, hilingin sa mga magulang mo na tiyaking hindi makita ng hindi mo kakilala ang web page mo.

  5. Kapag nag-Internet ka huwag ibigay sa iba ang personal mong impormasyon tulad ng iyong pangalan, address, o telepono.

  6. Huwag ipadala ang retrato mo sa hindi mo kakilala.

  7. Huwag pumayag kailanman na makipagkita sa isang taong “nakilala” mo sa Internet. Kung may gustong makipagkita sa iyo, sabihin sa mga magulang mo.

  8. Huwag ibigay kaninuman ang mga password mo.

  9. Huwag buksan ang e-mail na nagmula sa taong hindi mo kilala. Kung makatanggap ka ng e-mail na hindi ka sigurado sa nilalaman, magtanong sa mga magulang mo.

  10. Maghanap ng nakatutuwang mga aktibidad sa Friend Web site sa www.friend.lds.org!