2009
Isang Aral Tungkol sa Pagpapatawad
Agosto 2009


Isang Aral Tungkol sa Pagpapatawad

Carlos at Jenny Comena Guzman, Ica, Peru

Nang talakayin ng aming pamilya ang family home evening na hinding-hindi namin malilimutan, ang nangingibabaw ay walang kinalaman sa masayang aktibidad, magandang object lesson, o masarap na pagkain. Ito ay isang simple ngunit mahalagang karanasang nagsimula sa araling ibinigay ng aming 17-taong gulang na anak na si Fielding tungkol sa pagpapatawad.

Matapos ang aralin, bawat isa ay nagkaroon ng pagkakataong magpahayag ng damdamin tungkol sa nagustuhan namin sa isa’t isa at sa nais naming pagbutihin pa sa aming sarili. Pinag-usapan namin ang mga hamong kinakaharap ng bawat isa at nagtulungan kami sa paghahanap ng mga solusyon. Nag-iyakan kami, humingi ng tawad sa isa’t isa, at nagtakda ng mga mithiin para mas bumuti pa.

Family home evening ang naging isa sa mga paborito naming gawain. Gustung-gusto namin kung paano nito tinutulutan ang aming mga anak na mas malayang maipahayag ang kanilang sarili at nang may tiwala.