2009
Masigasig sa Trabaho, Masigasig sa Laro
Agosto 2009


Mula sa Buhay ni Propetang Joseph Smith

Masigasig sa Trabaho, Masigasig sa Laro

Madalas makipaglaro ng bola at iba pang laro si Joseph sa mga binatilyo sa bayan.

Gandahan mo ang paghagis sa bola.

Minsan, matagal silang naglaro hanggang sa mapagod silang lahat. Nang mapansin ito ni Joseph, tinawag niya silang lahat.

Magtayo tayo ng bahay na yari sa troso. May isang balo na nangangailangan nito.

Pagod na pagod na ako. Hindi ko alam kung paano ito nagagawa ni Joseph.

Palagi siyang ganito—naglilingkod hangga’t kaya niya.

Sa isa pang pagkakataon, muling nakipaglaro ng bola si Joseph sa ilang binata at binatilyo sa bayan. Pagkatapos ng laro, tinawag silang lahat ni Joseph.

Mga kapatid, sumakay kayo sa inyong kabayo.

Sumunod ang kalalakihan sa utos ni Joseph at nagpunta sila sa gubat para mangahoy.

Ito na ang ika-39 at huling bagon.

Maganda ang nagawa natin ngayon, kapatid. Gusto ba ninyong maglaro ng pull sticks?

Malakas si Joseph at mahusay sa larong pull sticks. Isa-isa niyang nahila ang mga kalaban.

Matapos silang maglaro ng pull sticks, muling tinipon ni Joseph ang lahat ng binata at binatilyo.

Ilabas ang mga bagon, at sibakin ang mga kahoy para sa nangangailangan nito.

Gustung-gustong sundin ng mga Banal ang utos ng Propeta, kahit pagod sila sa maghapong pagtatrabaho at paglalaro.

Mga bata, hilahin na ‘yang lahat! Gawin natin ang ipinagagawa ng Propeta.

Mga paglalarawan nina Sal Velluto at Eugenio Matozzi