2013
Isinilang si Jesus
Disyembre 2013


Para sa Maliliit na Bata

Isinilang si Jesus

Naglakbay sina Maria at Jose patungong Betlehem. Malayo iyon. Malapit nang manganak si Maria.

Puno ang lahat ng bahay-tuluyan. Tumuloy sina Maria at Jose sa isang kuwadrang tulugan ng mga hayop. Habang naroon sila, isinilang si Jesus.

Sa di-kalayuan, binabantayan ng mga pastol ang kanilang mga tupa sa kaparangan. Isang anghel ang dumating at sinabi sa kanila na magpunta sa Betlehem upang makita ang bagong silang na sanggol.

Natagpuan ng mga pastol ang kuwadrang kinaroroonan nina Maria at Jose. Naroon sa isang sabsaban ang sanggol na si Jesus, na nababalot ng lampin. Siya ang magiging Tagapagligtas ng buong mundo.

Sa araw ng Pasko ay nireregaluhan tayo ng ating pamilya at mga kaibigan kung minsan. Ngunit ang pinakadakilang regalo sa lahat ay ang ibinigay sa atin ng Ama sa Langit. Isinugo Niya ang Kanyang sariling Anak, si Jesucristo, para isilang sa mundo.