2013
Nagsalita si Elder M. Russell Ballard sa mga Banal sa Europa
Disyembre 2013


Nagsalita si Elder M. Russell Ballard sa mga Banal sa Europa

Ang pananampalatayang ipinakita ng naunang mga pioneer sa Europa ay kailangan ngayon para mapaunlad ng mga Banal sa mga Huling Araw ang Simbahan at kaharian ng Diyos, sabi ni Elder M. Russell Ballard ng Korum ng Labindalawang Apostol sa isang brodkast sa mga miyembro ng Simbahan sa Sweden, Denmark, Finland, at Norway.

“Ano ang kahihinatnan ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw 20 taon mula ngayon dito sa inyong mga bansa?” Tanong ni Elder Ballard. “Paano natin sasagutin ang naunang mga miyembro ng Simbahan sa Scandinavia kung hindi natin maiuulat na ang ating pananampalataya, ating tapang, ating mga kilos ay katulad ng sa kanila, na ibinigay natin ang lahat para palakasin ang Simbahan sa bawat ward, branch, stake, at district?”

Ang brodkast ay bahagi ng pagbisita ni Elder Ballard kamakailan sa Stockholm, Sweden; London, England; at Paris, France.

Pinulong ni Elder Ballard ang mga missionary na naglilingkod sa Sweden at nagsalita siya sa mga young single adult sa Stockholm. Ang pulong na iyon ay isinahimpapawid sa 402 meetinghouse sa Europe Area. Nagsalita siya tungkol sa kahalagahan ng pag-aasawa at binigyang-diin niya na ang mga pasiya ng mga young adult tungkol sa pamumuhay ng mga alituntunin ng ebanghelyo ang magpapasiya sa hinaharap ng Simbahan. Inanyayahan niya silang lahat na dalhin ang isang tao o ibalik ang isang miyembro sa Simbahan bago matapos ang taon.

Nagsalita rin si Elder Ballard sa mga miyembro ng Simbahan sa isang Nordic conference na isinahimpapawid sa lahat ng meetinghouse sa Sweden, Denmark, Finland, at Norway. Ang bilang ng mga miyembro ng Simbahan sa mga Nordic na bansa ay mahigit 23,000 sa 123 kongregasyon.

Sa London, England, pinulong nina Elder Ballard at Elder José Teixeira, Europe Area President, ang mga missionary na naglilingkod sa London at London South Missions. Daan-daang missionary ang nakinig sa patotoo ni Elder Ballard at nadama ang kanyang kasigasigan sa gawaing misyonero.

Sa France pinulong ni Elder Ballard ang mga missionary sa Versailles. Bumisita rin siya sa pagtatayuan ng Paris France Temple, na ipinahayag sa pangkalahatang kumperensya noong Oktubre 2011.