Samahan ninyo kaming maglibot sa isang mahalagang lugar sa kasaysayan ng Simbahan!
Sina Elise at Kyle H., edad 9 at 6, ay namamasyal sa maniyebeng kalsada ng replika ng isang pioneer village sa Salt Lake City, Utah. Parang nagbalik sila sa panahon noong kalagitnaan ng 1800s. Noon iyong nanirahan ang mga pioneer sa Salt Lake Valley. Samahan sina Elise at Kyle sa paglilibot sa This Is the Place Heritage Park para malaman kung ano ang pakiramdam ng maging batang pioneer.