2013
Inilathala ang Aklat ni Mormon sa Wikang Malay
Disyembre 2013


Inilathala ang Aklat ni Mormon sa Wikang Malay

Ipinahayag ng Simbahan ang paglalathala ng Aklat ni Mormon sa wikang Malay, kaya iyon ang ika-109 na wika para sa banal na kasulatang ito. Ang Aklat ni Mormon sa wikang Slovak ay lumabas noong Marso ng taong ito. Ang wikang Malay ay sinasalita sa mga bansa ng Malaysia, Singapore, Indonesia, at India sa Southeast Asia.

Ang Aklat ni Mormon sa wikang Malay ay makukuha na ngayon sa mga lokal na distribution center ng Simbahan at sa online store sa store.lds.org (item 35607 348) at sa scriptures.lds.org.