2013
Mga Ideya para sa Family Home Evening
Disyembre 2013


Mga Ideya para sa Family Home Evening

Ang isyung ito ay naglalaman ng mga artikulo at aktibidad na magagamit sa family home evening. Narito ang dalawang halimbawa.

“Pagtulong sa mga Bata na Makilala ang Espiritu Santo,” pahina 10: Matapos pag-aralan ang artikulong ito, isiping magplano ng mga aktibidad na kakailanganin kayong makinig, tumingin, at gumalaw na tutulong sa inyong mga anak na malaman kung paano nangungusap sa kanila ang Espiritu Santo. Maaari ninyong basahin at isadula ang kuwento ng Pasko. Maaari ninyong pag-aralan ang mga himno at awitin ng Primary tungkol sa pagsilang ng Tagapagligtas at itanghal ang mga ito para sa mga kaibigan at kapitbahay. Maaaring sama-sama ninyong tingnan ang mga larawan ng Tagapagligtas o maglagay kayo ng belen sa isang lantad na lugar sa bahay ninyo. Maaari kayong magplano ng isang aktibidad na makapaglilingkod ang pamilya. Anuman ang piliin ninyong gawin, tulungan ang inyong mga anak na malaman kung kailan nila nadarama ang Espiritu.

“Pagiging Mas Mabubuting Banal sa Pamamagitan ng Pagtulong sa Iba’t Ibang Relihiyon,” pahina 26: Isiping maghanap ng paraan na makipagtulungan sa mga miyembro ng ibang relihiyon sa Kapaskuhang ito. Maaari kayong sumama sa ibang pamilyang Kristiyano na basahin ang kuwento ng Pasko o maglingkod. Maaari ninyong anyayahan ang isang pamilyang hindi Kristiyano na sumali sa family home evening ninyo at maghalinhinan sa pag-alam tungkol sa mga paniniwala at tradisyon ng isa’t isa. Pagkatapos ay isiping talakayin sa inyong mga anak kung anong mga katotohanan ang natutuhan nila sa mga kaibigan ninyo.

Sa Inyong Wika

Ang Liahona at iba pang mga materyal ng Simbahan ay makukuha sa maraming wika sa languages.lds.org.